Hay na ko!!!
DRIVER:Maluwag pa sa kaliwa!!
yan pa sa kanan!! konting usog lang po may sasakay.
Kulang ang bayad nyo.. kulang pang lima..
LIpat nalang kayo sa kabila.
hay na ko po... mga driver nga naman oH!!! magaling mag pasakay na mag pasakay pero pag magbaba ayaw pababain, ano banaman yan, sakit sa ulo... pagod kana nga sa byahe mag lalakad kapa ng malayo dahil sa jeep na sobra sobra ang baba sayo, ang iba kasing mga driver ng jeep bingi. (naiisip ko tuloy minsan sobra ang bayad kaya sobra ang hinto) hehehehe..
Kapag naman nag bayad ka ng 10pesos sukli sayo 2pesos, nako po!! MANONG.... kulang ng Piso, madami panaman mga pinoy na naiinis minsan pag dinadaya sila ng kapwa nila, hayx. kahit ako di inis na inis ako pag kulang ang sukli,, nako nako nako.. kahit piso lang yun... mahalaga padin un.. di kanaman kasi laging may pera eh, pati nakakasanayan na ng driver ang ganon, kulang mag bigay ng sukli, ika nga OVER PAY wakokoko! ba3p!!
Ang driver pilit kang papasakayin, sasabihin maluwag pa pero isang pisngi lang ng puwet mo ang makakaupo, nako po!!! ano banaman yan,,, tae talaga! kulang nalang sa sahig ka paupuin, pag nag kataon na lalake kapa pasasabitin kapa, bang kapal ng mukha!! tapos may bayad banaman pati ang sabit, lOKO!LOKo! nakatayo ka ng umaandar ung sasakyan, nanganganib ang buhay mo ng nakasabit ka tapos may bayad banaman!! kalokohan!!!
Meron pang nakalagay sa JEEP nila na NO SMOKING!!! tapos makikita mo ung mismong driver or kondoktor ang nag YOYOSI!! hayx... bawal daw pala yun,, bawal sa pasahero pero sa driver pede? bugok ba sila!!! pede naman mag drive na di nag yoyosi, mas desente tignan..
HAy nako, pag naswertihan kapa, kapag ikaw nalang ang pasahero ng jeep papalipatin ka nya sa kasunod na jeep, biglang hindi na mag babyahe ang jeep na ikaw lang ang sakay, ok lang sana yung ganto kung hindi kapa nag babayad, ang kaso pag bayad kana minsan kulang ung pamasahe na binibigay.
Ang bagal naman!! wakoKO! ang bagal, minsan parang sasakyan ng patay mag patakbo, minsan naman papatay pag tumakbO!! hahahahaha!
Kulang ang bayad!! nako, mahabang usapan pag di nag kasundo ang pasahero at driver, nako nako nako.. sasabihin ng driver kulang ang bayad, kadalasan natong away ng driver, ewan ko ba, bakit perang pera ang mga driver...............................
Naisip ko bigla ang nanay at tatay ko.......
Kahit piso mahalaga, para sa pamilya nila...
may pamilya nga din pala ang mga driver, nag tatarbaho nga lang din pala sila para sa pamilya nila, saludo ako sa inyo mga driver!! go gogo!! wish ko lang wag na masyado mag over pay at mag bayad ng maayos ang mga pasahero at mag sukli ng maayos ang mga driver.. salamat sa mga driver na patuloy na nag dadrive para makapasok ako sa school, salamat dahil ligtas akong nakakaalis at nakakauwi..
THX A lot...
GOD BLESS